PAGES

Thursday, December 18, 2014

SIGNS

(Taglish)

Sabi ko noon, I don't believe in Signs. Or should I say, hindi ko ma-identify kasi kung ang nangyari ay sign ba talaga from God, o nagde-daydream lang ako, tapos nangyayari lang --- kaya parang hindi ako naniniwala. Tsaka ang alam ko kasi, sa mga pelikula lang yun nagkaka-totoo, at sa mga script na binubuhay ng mga aktor sa teatro.

But last week, I did something. I tried "asking" or "praying" for a sign. A sign that I know could make or break me and my heart. Sabi ko, sige bahala na. Basta hihingi ako ng sign. Kailangan ko lang i-control ng bongga ang sarili ko na huwag gumawa ng kahit anong participation para sana matupad ang sign. Sabi ko, dapat, kung talagang nagkakatotoo ang sign, hahayaan ko lang na mangyari. Either hihintayin ko, or I will just let it be, and go on with my days ahead.


So I did the latter. As days unfold, with my usual work routine, meetings to attend, plus freelance activities, nawala na lang sa isip ko. Dumaan lang ang mga araw. Dumating nga rin yung mga araw na pilit kong inaalala ano nga bang hiniling ko. Para saan nga ba ulit. Natawa pa nga ako sa sarili ko, kasi, parang kalokohan lang yung ginawa ko. As the days come near the 20th of December, tsaka ko naalala ang hiling. Ang sign.

Simple lang naman, at maaaring mababaw para sa nakararami. Ang hiling ko lang naman kay God, was, IF talagang seryoso itong ginoo sa akin, tatawag siya ulit bago mag-sabado, na may kaakibat na tamang plano, at matinong desisyon kung ano at saan na nga ba talaga patutungo itong pagkakaibigan namin. Walong taon din mula nung una kaming nagkakilala. At sa walong taon na 'yun, bilang ko lang yata sa mga daliri ko sa kamay at paa, ang mga araw na nagkasama kami. The rest of the years, MIA (missing in action) siya, tapos bigla na namang lilitaw. Magpaparamdam. Sasabihing hindi raw nagbago ang feelings niya sa akin. Mula noon, hanggang ngayon. Kung kinuha niya sa script ng teleserye mga sinabi niya, for sure ma-e-MTRCB approve.

What surprises me, though, was that, every time he calls, he remembers every single detail of those counted days na nagkasama kami. Hindi daw niya nakakalimutan yung mga araw na 'yun. Samantalang ako, sa tagal at sa dami na ng nangyari sa akin sa pagitan ng mga taong iyon, halos wala na akong maalala. Sorry, pero I told him, maging hitsura niya, hindi ko na talaga maalala (hindi pa kasi uso ang selfie at monopod noon, kaya oo, wala kaming picture together).

At sa dami naman na ng na-encounter kong palitaw -este- mga lalaking lumulubog at lumilitaw, na hahanapin o gugustuhin lang ako kapag may kailangan, siguro naman hindi niyo ako masisisi kung after 8 years sa lalaking ito, eh tamang humingi na ako ng desisyon mula sa kanya, hindi ba? Kasi hindi na kami bumabata. Mukhang baby face lang, sige pwede pa. Pero this time, hindi na tamang makipag-laro pa. Hindi na tamang, maging palitaw pa. It's either his actions mean something (he calls -- not just texts me, and he's trying very hard to take time out of his very busy days to communicate with me. In short, he makes TIME for me. And this is VERY, VERY much appreciated. Halos wala pang nakakapag-laan ng oras na ganyan para sa akin). Or, his actions could be just that --- mere gestures. Walang meaning.

Kaya ako humingi ng sign.

Nung nagka-kuwentuhan kami ni Lord, hindi ko na maalala kung sa banyo ba o sa kalsada habang tumatawid ako sa EDSA nung huli ko siyang nakausap, sabi ko, isang sign lang po. Kapag tumawag po siya ulit before Saturday, at bigyan ako ng malinaw na sagot sa mga nakabitin ko pong tanong, maaaring siya na. Siya na nga po yata. Siya na nga po sana 'yung matagal niyo nang planong ibigay para sa akin. Sana. 'Yun lang naman po.

Tapos, natulog na'ko. Gumising. Nagtrabaho, at gumawa na naman ng kung anu-ano.

Then last night, my phone rang.

No comments:

Subscribe Now